^

Probinsiya

Mag-asawang trader, anak nilikida

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

NUEVA ECIJA, Philippines – Napaslang ang mag-asawang negosyante at kanilang anak na babae makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-­kilalang kalalakihan na nagpanggap na mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Barangay Mayamot sa bayan ng Zaragoza, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Roberto Aliggayu, Nueva Ecija PNP director, ang mga biktima na sina Fernandito De Guzman Sr., 55; Rosalinda Ortiz De Guzman, 52; at ang kanilang anak na si Norie Dela Cruz y De Guzman, 24, may-asawa, pawang mga nakatira sa Barangay Panabingan sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija.

Ayon sa police report, bandang alas-6 ng umaga nang dumating sa bahay ng mga biktima ang mga armadong kalalakihang lulan ng Besta van at nagpakilalang mga tauhan ng NBI.

Sinasabing may standing warrant of arrest ang mag-asawa sa kasong estafa kaya inimbitang sumama kung saan sumama naman ang anak na babae.Pagsapit sa bahagi ng Barangay Mayamot ay pinagbabaril ang mag-asawa at anak bago inabandona.

Pinaniniwalaang may kinalaman ang pamamaslang sa pagiging katiwala ng mag-asawa sa may 33 hektaryang lupain.

vuukle comment

BARANGAY MAYAMOT

BARANGAY PANABINGAN

DE GUZMAN

FERNANDITO DE GUZMAN SR.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NORIE DELA CRUZ

NUEVA ECIJA

ROBERTO ALIGGAYU

ROSALINDA ORTIZ DE GUZMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with