^

Probinsiya

Babaerong pulis buking sa Facebook

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa social networking site na Facebook, nabuking ng misis ang pangangaliwa ng kaniyang mister na pulis na isa ring criminology instructor sa Cebu.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, sinabi ng nagdurusang misis na itinago sa pangalang Melissa, nadiskubre niya ang pagtataksil ng kaniyang mister na may ranggong PO3 na sinasabing isa sa mga bodyguard ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia at  miyembro rin ng Provincial Public Safety Company ng Cebu Provincial Police Office nang makita sa facebook ang isa pang account ng kaniyang mister.

Sinasabing ipinakikilala ng kaniyang mister ang kalaguyo nito na itinago naman sa pangalang Anabelle na siya ang misis ng taksil niyang mister.

Natuklasan din ng misis na may isa nang anak na batang babae ang kaniyang asawa sa kalaguyo nito.

Tiniyak naman ni Atty. Augusto Macam, abogado ni Melissa na uusad ang reklamong inihain sa CPPO-Provincial Investigation and Detective Management Branch laban sa kaniyang mister.

Sinabi naman ni PO1 Yolanda Kyamko, pre-charge evaluator ng PIDMB na kabilang sa reklamong inihain ni Melissa  ay ang hindi pagbibigay ng sapat na suporta ng asawa sa kanyang pamilya at kung magbigay ay P300 hanggang P800 lamang kada payday.

Isinalaysay din ni Melissa ang pagkakaroon ng anak sa iba pang babae ng kanyang mister.

Dahil dito, positibo si Atty. Macam na makasuhan din ang mister ni Melissa sa paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Law) at kasong concubinage.

vuukle comment

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN LAW

AUGUSTO MACAM

CAMP CRAME

CEBU GOVERNOR GWENDOLYN GARCIA

CEBU PROVINCIAL POLICE OFFICE

DAHIL

MISTER

PROVINCIAL INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with