^

Probinsiya

3 mag-uutol nilamon ng apoy

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na ka­ma­tayan ang sinapit ng tatlong magkakapatid na bata habang dalawang iba pa ang grabeng nasugatan matapos makulong sa loob ng bahay sa liblib na bahagi ng Barangay Taloy Sur sa bayan ng Tuba, Benguet noong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, halos hindi na makilala sa pagkasunog ang mga bangkay nina Jedric Agnawa, 5; Jayvi Agnawa, 4; at si Zowie Agnawa, 1, pawang nakatira sa Sitio Caucalan sa nabanggit na barangay.

Ginagamot naman sa Baguio City General Hospital and Medical Center ang mga nasugatang sina Marimar Agnawa, 1; at Jayver Agnawa, 7-buwang gulang na sanggol.

Sa naantalang ulat na nakarating sa NDRRMC, naitala ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa nasabing barangay may dalawang araw na ang nakalipas.

Lumilitaw sa imbestigasyon na pansamantalang iniwan ng kanilang mga magulang ang magkaka­patid matapos na makatulog dahil nagtungo ang mga ito sa kanilang kapitbahay.

Gayon pa man, natumba ang kandila na ilaw sa nasabing bahay kung saan nadikit sa kurtina at ilang plastic na lumikha ng apoy na kuma­lat sa buong kabahayan.

vuukle comment

BAGUIO CITY GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BARANGAY TALOY SUR

BENGUET

JAYVER AGNAWA

JAYVI AGNAWA

JEDRIC AGNAWA

MARIMAR AGNAWA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

SITIO CAUCALAN

ZOWIE AGNAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with