^

Probinsiya

Graduating student nagbigti

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines  – Dahilan sa matinding problema ng pamilya, isang graduating na estudyante ang nagpakamatay matapos na magbigti sa loob ng isang bahay kubo sa Brgy. Dalupaon, Pasacao, Camarines Sur kamakalawa.

Ang biktima ay nakilalang si Jaymar Sibulo,16, binata, 4th year high school at isang graduating na estudyante na residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakabitin sa bahay kubo sa loob ng compound ng naturang lugar.

Nabatid na bago ang insidente ay ilang araw ng tulala at halos hindi makausap ang biktima dahilan sa problema ng kaniyang pamilya na siyang motibo ng pagpapatiwakal nito.

BATAY BIKTIMA BRGY CAMARINES SUR DAHILAN DALUPAON JAYMAR SIBULO LEGAZPI CITY NABATID PASACAO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with