^

Probinsiya

Tinedyer binoga ng sekyu, dedo

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Binaril at napatay ang 15-anyos na batang lalaki ng security guard matapos maaktuhang nagnanakaw ng kahoy sa loob ng compound ng Mayon Dry Docks Inc. sa Purok 6, Ba­rangay Salvacion, Tabaco City, Albay kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa Ziga Memorial District Hospital subalit idineklarang patay si Argie Dizon ng Barangay Fatima.

Samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Ruben Sabaupan, 46, security guard ng Gimoro Security Agency at nakatira sa Purok 5, San Jose, Ma­lilipot, Albay.

Nabatid na namumutol ng kahoy ang biktima kasama ang kaibigang si Garry Butial nang sitahin ng sekyu.

Sa takot ay mabilis na tumakbo ang magkaibigang bata at umakyat sa pader palabas na sana ng compound.

Subalit nakorner naman ang biktima kung saan tinangkang saksakin nito ang suspek kaya napilitang barilin habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ALBAY ARGIE DIZON BARANGAY FATIMA DRY DOCKS INC GARRY BUTIAL GIMORO SECURITY AGENCY PUROK RUBEN SABAUPAN SAN JOSE TABACO CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with