^

Probinsiya

4 holdaper bulagta sa shootout

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bulagta ang apat na miyembro ng notoryus na robbery/holdup gang makaraang makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa inilatag na checkpoint sa bayan ng Mexico, Pampanga, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni PNP spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang isa sa mga napatay na si Gider “Den-Den” de Leon, lider ng gang na sangkot din sa illegal na operasyon ng bawal na droga, carnapping at gun-for-hire.

Samantala, ang iba pa sa mga napaslang na holdaper ay patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.   

Naganap ang shootout bandang alas-5 ng umaga kamakalawa sa Anao-San Jose Molino Road sa Barangay Anao matapos na tangkain ng apat na lumusot sa inilatag na checkpoint.

Ang apat na holdaper ay lulan ng tatlong motorsiklo na tumangging magpa-inspeksyon sa mga pulis na nagbabantay sa checkpoint kung saan nagpaputok pa ng baril kaya sumiklab ang shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa kasagsagan ng putukan ay magkakasunod na bumulagta ang apat habang wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng pulisya.

Narekober ang cal. 38 revolver, dalawang granada at ang tatlong motorsiklo na gamit sa illegal na aktibidad.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

ANAO-SAN JOSE MOLINO ROAD

BARANGAY ANAO

BULAGTA

CHIEF SUPT

DEN-DEN

GIDER

KINILALA

NAGANAP

NAREKOBER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with