^

UPLB stude robbery slay lutas na

- Joy Cantos () - March 10, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nalutas na ng mga awtoridad ang kaso ng panghoholdap at pagpatay sa estudyante ng University of the Philippines -Los Baños na si Ray Bernard Peñaranda matapos na sumuko ang isang suspek kamakalawa ng gabi at maaresto naman ang isa pa kahapon ng tanghali, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay Laguna Provincial Police Office director  P/Senior Supt. Gilbert Cruz, sumuko na ang suspek na si Tyrone Kenney Terbio, 19, ng Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna kung saan itinanggi nito na siya ang sumaksak sa biktima.

Samantala, ang isa pang suspek  na si Carl Dactil de Guzman, 26, ay nasakote naman sa inilatag na raid sa Purok 4 , Barangay Tagas, Daraga, Albay.

Ayon naman kay PNP spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., inamin naman ni Terbio na nagtago siya sa Antipolo City, Rizal matapos na mapatay ang biktima.

Si Terbio ay una nang ikinanta ng nasakoteng suspek na si Joseph “Zeppo” Beltran na siyang sumaksak kay Peñaranda, 19, matapos nila itong holdapin sa tapat ng gate ng campus ng unibersidad .

Sinasabing si Beltran ang nagsilbing lookout nina de Guzman at Terbio sa nasabing krimen.

Itinurn-over naman si Terbio sa kustodya ng Laguna PNP  at isusunod na rin si de Guzman kaugnay ng warrant of arrest laban sa mga ito sa kasong robbery with homicide.

AGRIMERO CRUZ JR. ANTIPOLO CITY AYON BARANGAY TAGAS BELTRAN CARL DACTIL CHIEF SUPT GUZMAN LOS BA TERBIO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with