^

Probinsiya

Trader nilikida; tandem utas sa shootout

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napatay ang nego­syanteng mister matapos tambangan ng motorcycle-riding gunmen kung saan napaslang naman sa pakikipagbarilan sa pulisya sa bayan ng Cantilan, Surigao del Sur noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Supt. Martin Gamba ang napatay na negosyante na si Jovy Arnan Gapora ng Barangay Magoselom.

Samantala, ang dala­wang gunmen na nakipagbarilan at napatay ng pulisya ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang identification card na sina Kagawad Camelo Estal ng Barangay San Jose, Tan­dag City at Taming Nuñez.

Bandang ala-1:20 ng hapon nang tambangan si Ganora sa bisinidad ng Barangay Pag-antayan kung saan narinig naman ng pulisya ang mga putok ng baril.

Mabilis namang rumes­ponde ang puwersa ng Cantilan PNP at 132nd Regional Public Safety Company kung saan nauwi sa shootout ang insidente.

Narekober sa shootout scene ang dalawang cal. 45 pistol na ginamit ng gunmen at ang motorsiklo.

vuukle comment

BARANGAY MAGOSELOM

BARANGAY PAG

BARANGAY SAN JOSE

CANTILAN

CHIEF SUPT

JOVY ARNAN GAPORA

KAGAWAD CAMELO ESTAL

MARTIN GAMBA

REGIONAL PUBLIC SAFETY COMPANY

TAMING NU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with