^

Probinsiya

3 estudyante minasaker sa ilog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlong estudyante sa high school ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan  habang nangi­ngisda sa liblib na ilog ng Barangay Molina sa bayan ng Parang, Maguindanao noong Martes ng hapon.

Kinilala ni Maguindanao PNP director P/Senior Supt. Marcelo Pintac ang mga biktima na sina Rico Divinagracia, 15; Jubert de la Cerna, 13; at si Jomar Mama, 13. 

Base sa imbestigasyon ng pulisya, magkakasamang nangingisda ang tatlo nang lapitan at ratratin ng mga armadong kalalakihan.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya mula sa pamilya ng mga biktima, lumilitaw na napagkamalan ang tatlo na nagmula sa angkan ng pamilyang kaaway ng mga suspek kaya isinagawa ang pamamaslang.

vuukle comment

BARANGAY MOLINA

CERNA

JOMAR MAMA

JUBERT

KINILALA

MAGUINDANAO

MARCELO PINTAC

RICO DIVINAGRACIA

SENIOR SUPT

TATLONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with