Fetus iniwan sa simbahan

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Isa na namang 6-buwang gulang na fetus na nasa karton ng sapatos ang iniwan sa loob ng simbahan sa Tuguegarao City, Cagayan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Patay na nang matagpuan ng church worker ang fetus na nakabalot pa sa plastic bag at iniwan sa sulok ng simbahan. Sa teorya ng pulisya na bunga umano ito ng bawal na relasyon kaya nagpasya na lamang ang ina ng sanggol na ipalaglag at iwan sa simbahan. Nakasulat sa ibabaw ng karton ang katagang “Diyos ko patawarin mo ako sa aking ginawa.” Agad naman na inilibing ang fetus matapos basbasan ng pari.

Show comments