^

Probinsiya

Mag-asawa itinumba

- Ni Mer Layson -

RIZAL ,Philippines – Patay ang mag-asawa matapos na paulanan ng bala ng isang di-kilalang lalaki ang kanilang tahanan sa bayan ng Rodriguez kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Edwin at Melinda Flores, na residente ng Block 17, Phase 1B Sub Urban, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi ng Huwebes nang ratratin ng suspek ng bala ang bahay ng mga biktima.

Sinasabing nasa harapan ng kanilang tahanan si Edwin at gumagawa ng relo nang pagbabarilin ito ng suspek, na nagresulta sa kaniyang agarang kamatayan.

Nasawi rin naman si Melinda na noon ay kasalukuyang naliligo matapos na mahagip ng ligaw na bala. Nakaligtas naman at hindi man lang nasugatan ang mga anak nito na nasa loob ng bahay.

Inaalam na rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

vuukle comment

BARANGAY SAN JOSE

EDWIN

HUWEBES

INAALAM

KINILALA

MELINDA

MELINDA FLORES

NAKALIGTAS

NASAWI

SUB URBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with