^

Probinsiya

Baby nalunod sa timba

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa baby na babae makaraang malunod ito sa isang timba ng tubig sa palikuran ng kanilang tahanan sa Barangay Tuyom, Carcar City, Cebu kamakalawa.

Bandang alas-5 ng hapon nang matagpuan ang biktimang si Jamaica Ombog na nauna ang ulo sa timbang may tubig at naninigas na ang katawan.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, abalang abala ang pamilya ni Ombog sa kanilang trabaho  ng mangyari ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, inihabilin ng ina ng bata sa lola nitong si Leonora Nabua ang apo upang maghanap ng bunga ng punungkahoy sa labas ng kanilang bakuran.

Pinaalagaan naman ng matanda sa anak nitong si Janice ang apo pero nakalingat ito sa sobrang kakulitan ng bata na hindi nito namalayan na nakagapang na patungong palikuran at naglaro ng tubig sa timba.

Dito na aksidenteng natiwarik ang baby na una ang ulo sa timba na bagaman nagawa pang isugod sa Carcar City Hospital ay nabigong maisalba ang buhay.

vuukle comment

AYON

BANDANG

BARANGAY TUYOM

CAMP CRAME

CARCAR CITY

CARCAR CITY HOSPITAL

CEBU

DITO

JAMAICA OMBOG

LEONORA NABUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with