^

Probinsiya

3 katao niratrat

-

MANILA, Philippines - Tatlo katao na pawang nahaharap sa kasong may kinalaman sa illegal na droga ang nasawi habang isa pa ang nasugatan nang paulanan ng bala ng apat na mga armadong kalalakihan na nakasuot ng bonnet matapos ang mga itong dumalo sa paglilitis ng korte sa bayan ng Nasugbu, Batangas kamakalawa ng hapon.

 Dead-on-the-spot sa insidente ang mga biktimang kinilalang sina Felipe Torio, 55-anyos; Lydia Torio, 55 at Arnold Dulay, 35, driver; pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

 Isinugod naman sa Apacible Memorial District Hospital ang nasugatang biktima na si Alejandro Torio de Vera, 35, helper.

 Batay sa ulat ng Batangas Police, naganap ang insidente sa Sitio Sagbat, Brgy. Lumbagan, Nasugbu bandang alas- 12:30 ng hapon.

 Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kagagaling lamang ng mga biktima sa paglilitis ng Regional Trial Court (RTC) Branch 14 hinggil sa kasong kinakaharap ng mga ito nang biglang sumulpot ang mga armadong kalalakihan na nakasuot ng bonnet na lulan ng behikulo na agad ang mga itong niratrat.

 Narekober naman ng mga nagrespondeng awtoridad sa crime scene ang 41 basyo ng bala mula sa cal .45 pistol. 

vuukle comment

ALEJANDRO TORIO

APACIBLE MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

ARNOLD DULAY

BATANGAS POLICE

FELIPE TORIO

LYDIA TORIO

NASUGBU

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with