^

Probinsiya

Trader itinumba sa kalsada

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

NUEVA ECIJA, Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 45-anyos na negosyante na pinagbabaril ng mga di-kilalang armadong lalaki ay nasagasaan pa ng sasakyan sa gitna ng kalsada sa Gov. Joson Road, Barangay Poblacion sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Rommel Paez y Alejo, 45, ng Intramuros Street, Barangay Poblacion, at dealer ng day old chick.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3 ng madaling araw noong Biyernes ay nagdyaging ang biktima kung saan nakarating sa terminal ng mga traysikel malapit sa Pamilihang Bayan ng San Isidro sa Barangay Poblacion.

 Ilang minuto ang nakalipas malapit sa nasabing terminal ay umalingawngaw tatlong putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang ang biktima na hawak pa ang kanyang cell phone.

Hindi naman napansin ng drayber ng pampasaherong jeepney ang nakabulagtang biktima kaya ito nasagasaan.

vuukle comment

ALEJO

BARANGAY POBLACION

BIYERNES

ILANG

INTRAMUROS STREET

JOSON ROAD

NUEVA ECIJA

PAMILIHANG BAYAN

ROMMEL PAEZ

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with