^

Probinsiya

Bata vinulcanize sa p'wet, utas

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

NUEVA ECIJA, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamata­yan sa isang 9-anyos na lalaki matapos pasakan sa puwet ng pressurized hose ng air compressor sa loob ng ricemill sa Barangay San Roque, Gapan City, Nueva Ecija, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Mark Jayson Culano habang nasakote naman ang suspek na si Losidro Dimacahilig, 20, ricemill operator sa CAA Rice and Palay Trading na pag-aari ni Danilo Angeles.

Lumilitaw na nasa loob ng rice mill ang ilang trabahador kabilang na ang suspek na nagkokono ng palay nang ihinto nito ang makina para tanggalin ang mga ipa gamit ang hose ng air compressor.

Gayon pa man, namataan nito ang biktima at pinalapit kung saan napagtripang ipasak sa puwet ng biktima ang hose ng air compressor.

Dito na biglang lumobo ang tiyan ng bata kung saan nagkikisay at bumulagta.

Nagulantang naman ang mga trabahador ng ricemill at mabilis na isinugod sa ospital ang bata subalit namatay din.

 “Blunt trauma to the rectum with probable insertion of a pressurized hose resulting to asphyxia,” pahayag ni Dr. Joseph Rayo, medico legal officer.

vuukle comment

BARANGAY SAN ROQUE

DANILO ANGELES

DITO

DR. JOSEPH RAYO

GAPAN CITY

GAYON

LOSIDRO DIMACAHILIG

MARK JAYSON CULANO

NUEVA ECIJA

RICE AND PALAY TRADING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with