^

Probinsiya

Rookie cop utas sa sariling baril

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagwakas ang serbisyo sa bayan ng isang bagitong pulis matapos nitong mabaril ang sarili sa Barangay CenteL 1 sa bayan ng Bangar, La Union noong Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Ramon Puruganan na nakarating sa Camp Crame kinilala ang biktima na si PO1 Antonio Cabarlo Jr., 34, ng Barangay Lusong Norte at nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Bangar.

Base sa imbestigasyon, lumilitaw na habang kinukumbinse ni PO1 Cabarlo ang 14-anyos na dalagita na magpulis pagkatapos ng high school.

Iniabot pa ng biktima ang kanyang baril sa dalagita para pahawakan at tumapang pero tumanggi ito sa takot.

Gayon pa man, tinanggal ng pulis ang magazine ng bala para turuan ang dalagita na magkasa ng baril at magtanggal ng magazine.

Kasunod nito ay itinutok ng biktima ang baril sa kanyang sentido para mawala ang takot ng dalagita saka kinalabit.

Subalit umalingawngaw ang malakas na putok ng baril na sumapul sa sentido ng biktima kung saan duguang bumagsak sa harapan ng dalagita.

“Inakala niya (PO1 Cabarlo) na wala ng bala pero may naiwan pa pala sa chamber, we are still investigating the case,” pahayag ni Puruganan sa phone interview.

vuukle comment

ANTONIO CABARLO JR.

BANGAR

BARANGAY LUSONG NORTE

CABARLO

CAMP CRAME

GAYON

INAKALA

LA UNION

RAMON PURUGANAN

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with