^

Probinsiya

P3M limas sa may-ari ng minahan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang natangay sa isang gene­ral ma­nager ng mining firm matapos holdapin ng mga armadong kalalakihan sa Sitio Agsur, Barangay Bahi sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Caraga spokesman P/Supt. Martin Gamba ang biktima na si Wen Tsen Nan, 56, general manager ng Triple Win Mi­ning Company sa Agusan del Sur.

Ayon sa imbestigasyon, lulan ng abuhing Toyota Hi-lux (KDZ-735) ang biktima mula sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur patungong Sitio Agsur nang harangin ng mga armadong kalalakihan sa highway.

Walang nagawa ang biktima matapos na tutukan ng cal. 45 pistol ng mga di-kilalang lalaki kung saan  inatasan itong dalhin ang sasakyan sa bayan ng Lianga , Surigao del Sur patungong Bayugan City.

Pagsapit sa liblib na lugar ay isa-isang nilimas ang mga mapapakinabangan sa biktima kabilang ang P 1.5 milyong cash, CNY 40,000, HKD $ 500, hindi pa mabatid na halaga ng Taiwan dollar, checkbook, express ATM card, gintong kuwintas, mamahaling gintong relo, cellular phone, Taiwa­nese passport, US passport at passport na nakapa­ngalan kay Dong Yi.

Inabandona ang biktima sa harapan ng simbahan sa Bayugan City kamakalawa bandang alas-2 ng hapon pero tinangay ng mga ito ang kaniyang sasakyan.

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY BAHI

BAYUGAN CITY

DONG YI

MARTIN GAMBA

SITIO AGSUR

SURIGAO

TOYOTA HI

TRIPLE WIN MI

WEN TSEN NAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with