^

Probinsiya

Mag-asawa, magkapatid niratrat

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NOR­TE ,Philippines  – Nagdulot ng kamalasan ang ‘Biyernes Trese’ matapos na masawi ang apat katao kabilang ang isang buntis na ginang nang pagbabarilin ng isang nag-amok na mataderong lasing na nabahiran ng karahasang piyesta ng patron sa Brgy. Gumamela, Labo, Camarines Norte kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na ang mag-asawang sina Roger Dino, misis nitong si Rosita Dino, 8 buwang buntis; kapwa 38 taong gulang na mga residente sa lugar; Efren Reyes Jr., 29 at Gary Dino kapatid ni Roger ng bayan ng Paracale.

Pinaghahanap naman ang suspek na natukoy lamang sa pangalang Archie alyas Boy Negro na dumayo lamang sa piyesta ng Patron ng Mahal na Ina na ginanap sa Sitio Doongan, Purok 3, Brgy. Gumamela ng nasabing bayan

Sa ulat ng tanggapan ni Camarines Norte Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Joselito Esquivel Jr., naganap ang nasabing pamamaril bandang alas-3:20 ng mada­ling- araw sa naturang lugar.

Lumilitaw sa imbestigasyon,  na ayaw umanong magbayad ng suspek ng inorder nitong jumbo na Ginebra San Miguel sa sari-sari store ng mag-asawang Dino at ng sinisingil ito ng buntis na ginang ay napikon na agad niratrat ang mga ito na kapwa dead-on-the-spot sa insidente. Ang dalawa pang biktima ay binawian naman ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Nasaksihan mismo ng panganay na anak ng mag-asawa na si Rosejean, 16-anyos ang ginawang pamamaril sa kanyang mga magulang ng suspek. Isinasailalim pa sa imbestigasyon ang kasong ito.

vuukle comment

BIYERNES TRESE

BOY NEGRO

BRGY

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

CAMARINES NORTE PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR SR. SUPT

EFREN REYES JR.

GARY DINO

GINEBRA SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with