^

Probinsiya

Japanese coed, ni-rape ninakawan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Doble kamalasan ang sinapit ng isang Haponesang estudyante matapos itong gahasain ay pagnakawan pa sa loob ng isang boarding house sa Baguio City kamakalawa.

Ang biktimang itinago sa pangalang Akiko, 20-anyos isang exchanged student sa AB English sa University of Baguio  at tubong Nagasaki, Japan.

Ayon kay Sr. Inspector Karissma Sta. Juana, Spokesperson ng Baguio City Police, arestado naman ang suspek na nahaharap sa kasong robbery with rape  na kinilalang  si Jomar Garcia, 21-anyos.

Sa salaysay ng biktima sa mga awtoridad, niyaya umano siya ng suspek na nakipagkaibigan sa kaniya na uminom ng alak sa boarding house nito sa Lower Cabinet hill ng lungsod kung saan naganap ang panghahalay dakong alas-5:20 ng madaling- araw nitong Huwebes.

Nang malasing na uma­no ay dito na siya hinubaran ng suspek saka hinalay kung saan dahilan sa sobrang panghihina ay hindi niya nagawang makapanlaban.

Gayunman, nang matauhan ang biktima ay nalaman nito na nawawala na rin ang kanyang bag na nag­lalaman ng digital c­amera, cell phone, wallet at iba na may kabuuang halagang P28,000 kaya nagsuplong sa pulisya na nagresulta sa pagkakahuli sa rapist.

vuukle comment

AKIKO

AYON

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY POLICE

GAYUNMAN

JOMAR GARCIA

LOWER CABINET

SR. INSPECTOR KARISSMA STA

UNIVERSITY OF BAGUIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with