^

Probinsiya

Mag-asawang pulis kinuyog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hindi na umabot sa pag­salubong sa Bagong Taon ang isang pulis na napatay sa saksak habang sugatan naman ang misis nitong isa ring pulis matapos kuyugin at pagsasaksakin ng apat na magkakapatid sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur noong Biyernes ng gabi.

Idineklarang patay sa ospital sina PO2 Rufino Ra­pacon, 36, habang sugatan naman ang misis nitong si SPO1 Florence Rapacon, 34, kapwa nakatalaga sa Ilo­cos Sur Provincial Police Office.

Batay sa ulat, bandang alas-10:35 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa plaza ng Brgy. Cabaroan ng nasabing bayan.

Ang magkakapatid na suspek na sina Ronnie, Rolly, Roberto at Roger Bau­ tista na nakaaway ng mag-asawang Rapacon ang nasa likod ng insidente.

Kasalukuyang nasa plaza ang mag-asawa nang bigla lapitan at pagsasaksakin ng mga suspek

Sa nasabing insidente ay sinaksak rin ng suspek na si Ronnie si SPO1 Florence pero nagawa nitong mabu­not at paputukan ng kani­yang baril ang suspek na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan habang may sugat rin sa ulo ang suspek na si Rolly.

Nasakote naman sa fol­ low-up operation ang dalawa pa na sina Roger at Roberto.

Sa imbestigasyon, lumi­taw na personal na galit ang motibo sa krimen.

vuukle comment

BAGONG TAON

FLORENCE RAPACON

ILOCOS SUR

ROBERTO

ROGER BAU

ROLLY

RONNIE

RUFINO RA

SHY

SUR PROVINCIAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with