4 cattle rustler nadakma
SAN NARCISO, Zambales, Philippines – Rehas na hawla ang binagsakan ng apat na kalalakihan na sinasabing notoryus na cattle rustler makaraang arestuhin ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Sitio Cabuan, Barangay Dalipawen sa bayan ng San Narciso, Zambales kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. Jerry Haduca ang mga suspek na sina William Dichoso, 41, ng Barangay Grullo; Dominador Sanchez, 28; Jeffrey Lubong, 20, at ang menor-de-edad na lalaki. Base sa police report, ang mga suspek ay naispatan ng pulisya katuwang ang tropa ng 24th infantry Battalion ng Phil. Army na binabatak ang dalawang baka na pag-aari nina Joseph Balasabas, 35, ng Barangay Namatacan; at Alfonso Federe ng Barangay Dalipawen.
- Latest
- Trending