^

Probinsiya

6 katao nilamon ng flashflood

-

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa anim na sibilyan makaraang tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha habang tumatawid sa ilog sa bayan ng Poona Piagapo, Lanao del Norte noong Huwebes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rahcman Ampang, 54; Normkila Ampang, 35; Subaida Ampang, 48; Aslima Ampang, 32; Noraima Talib, 26; at si Ainah Ali, 5, habang nakaligtas naman sina Bulawan Ampang, 28; Cosari Ampang, 28; at Salima Ampang, 18.

Ayon kay Ana Cañeda, director ng Office of Civil Defense sa Northern Min­danao, ang mga biktima ay nalunod matapos rumagasa ang tubig-baha subalit walang nagsilikas dahil hindi umabot ang flashflood sa residential areas.

Nabatid na tumatawid ang mga biktima nang anu­rin ng malakas na agos ng tubig na umapaw mula sa creek patungong ilog.

Matapos ilatag ang search and rescue ope­ration ay narekober ang mga bangkay ng biktima sa mababaw na bahagi ng Mailunod River sa bayan ng Kauswagan noong Bi­yernes.

Ang bayan ng Poona Piagapo at 5th class municipality sa Lanao del Norte kung saan dumarami ang Maranao. Alexis Romero (Phil. Star News Service)

vuukle comment

AINAH ALI

ALEXIS ROMERO

AMPANG

ANA CA

ASLIMA AMPANG

BULAWAN AMPANG

COSARI AMPANG

LANAO

MAILUNOD RIVER

POONA PIAGAPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with