^

Probinsiya

Bomba sa pampasaherong bus

- Nina Joy Cantos at Ed Casulla -

MANILA, Philippines - Nabulabog ang mga pasahero matapos na marekober ang bomba sa loob ng pampasaherong bus sa General Santos City, South Cotabato kamakalawa ng hapon. Ayon kay P/Supt. Resty Damaso, spokesman ng Police Regional Office 12 ang bomba na inilagay sa itim na bag ay natagpuan dakong alas-4 ng hapon sa loob ng Husky Bus (LBX-662) na may rutang Cotabato City-General Santos City. Ayon sa opisyal na may nakapunang pasahero sa inabandonang bag na inabandona ng isang pasahero may kalahating kilometro pa lamang bumibiyahe ang bus pa­tungong Tubi, Cotabato. Ang pampasabog ay ginamitan ng 2-rocket propelled grenade, 9 volt battery, may switch at bote na may laman na kulay itim na pulbos na sinasabing nakatakdang sumabog. Agad namang na-detonate ang bomba bago pa man ito sumabog.

vuukle comment

AYON

COTABATO

COTABATO CITY-GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS CITY

HUSKY BUS

NABULABOG

POLICE REGIONAL OFFICE

RESTY DAMASO

SOUTH COTABATO

TUBI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with