^

Probinsiya

Pakistani trader kinidnap, tinodas

- Ni Jonie Capalaran -

BATAAN, Philippines – Isa na namang banyaga na negos­yanteng Pakistani ang ini­ulat na kinidnap at pinatay ng mga armadong kalalakihang nagpakilalang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa panibagong karahasang naganap sa bayan ng Dinalupihan, Bataan kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt Arnold Gunnacao ang biktima na si Mohammad Shahid Nadeem, 32, ng Barangay General Luna sa nasabing bayan.

Base sa police report, ang biktimang nagpapahinga sa loob ng pampublikong pamilihan sa Barangay San Ramon sa Dinalupihan nang lapitan ng tatlong kalalakihan.

Nabatid na inimbitahan ng tatlong di-kilalang lalaki na nagpanggap na NBI ang biktima kaya naman payapang sumama ito.

Kaagad naman ipinaabot ng ilang kaibigan ng biktima sa himpilan ng pulisya ang insidente su­balit sa beripikasyon sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan lumilitaw na inilatag na operasyon ang NBI laban sa biktima.

Gayon pa man, noong Martes ng umaga ay natagpuan ang bangkay ng biktima na may dalawang tama ng bala sa batok at ulo sa Gumain River sa Barangay Pabanlag sa bayan ng Floridablanca sa Pampanga.

vuukle comment

BARANGAY GENERAL LUNA

BARANGAY PABANLAG

BARANGAY SAN RAMON

DINALUPIHAN

FLORIDABLANCA

GAYON

GUMAIN RIVER

MOHAMMAD SHAHID NADEEM

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SENIOR SUPT ARNOLD GUNNACAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with