^

Probinsiya

16-anyos tinedyer 2 ang ari

- Ni Malu Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Matagal nang alam ng isang 16-anyos na tinedyer na dalawa ang kanyang ari subalit itinago niya ito ma­ging sa kanyang mga kaibigan sa takot na maging sentro siya ng katatawanan at pangungutya sa Davao City, Davao del Sur.

Pero noong Linggo ng umaga lang ay ’di-na kinaya ng tinedyer ang kakaibang karamdaman sa katawan dahil sa umiihi na ito ng dugo sa isang ari.

Nagdesisyon ang mga magulang ng tinedyer na isugod siya sa ospital sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City para ipasuri.

Itinago sa pangalang Kevin ang 4th year high school na tinedyer at tubong Antipas, North Cotabato.

Ayon kay Leo Reovoca, staff ng Tribal Filipino Program ng Diocese sa Kidapawan City, nagpasya na ang mga magulang ni Kevin na isugod sa ospital ang anak dahil nais na nilang mabigyan ng lunas ang kakaibang sakit nito.

Habang lumalaki si Kevin, lumalaki rin ang kanyang dibdib subalit ayon kay Reovoca, ’di-naman nagkikilos-babae ang binatilyo at Lalaki raw ito sa isip, sa salita, at sa maging sa gawa.

Pakiusap ni Reovoca sa mga tagamasid, sa halip kutyain si Kevin ay tulu­ngan na lamang siya at ang kanyang pamilya na makahanap ng pondo para sa magiging operasyon nito.

Posibleng isailalim sa maselang operasyon si Kevin sa lalong madaling panahon para humaba pa ang kanyang buhay, ayon kay Reovoca.

vuukle comment

ANTIPAS

AYON

DAVAO CITY

KEVIN

KIDAPAWAN CITY

LEO REOVOCA

NORTH COTABATO

REOVOCA

SOUTHERN PHILIPPINES MEDICAL CENTER

TRIBAL FILIPINO PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with