Mag-asawa, anak dakma sa droga
- Artemio Dumlao () - November 10, 2011 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines – NAgwakas ang modus operandi ng mag-asawa at anak na lalaki matapos madakma ng mga tauhan ng Philippine drug enforcement sa inilatag na buy-bust operation noong Martes ng gabi sa Barangay Bayaoas, Urdaneta, Pangasinan. Pormal na kinasuhan ang mga mag-asawang Roger at Norma Locquiao at anak nila na si Rodel, 37, pawang nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ni PDEA-Ilocos region director Edgar Apalla Jr. ang tatlo na nasa listahan ng PDEA Pangasinan ay nasakote sa magkahiwalay na operasyon. Nasamsam sa mga suspek ang 9-plastic sachet ng Methamphetamine Hydrochloride (shabu) at mark money na ginamit sa buy-bust operation. Nabatid sa ulat na si Rodel ay naaresto na noong Marso 2009 sa kasong droga subalit napawalang –sala noong Hulyo. “These are the kind of parents who does not really care on the future of their kids,” pahayag ni Apalla.

APALLA BARANGAY BAYAOAS EDGAR APALLA JR. HULYO ILOCOS MARSO METHAMPHETAMINE HYDROCHLORIDE NABATID NORMA LOCQUIAO PANGASINAN RODEL
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with