^

Probinsiya

Gunsmith tiklo sa 35 baril

- John Unson -

COTABATO CITY, Philippines – Aabot sa 35 iba’t ibang uri ng baril ang nasamsam matapos madakma ang isang gunsmith sa bayan ng Surallah, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay P/Chief Supt. Benjardi Mantele, director ng Region 12, inaalam ng mga imbestigador ng pulisya kung may kaugnayan ang suspek na si Honorio Cabalida sa nagbibigay ng mga arms sa mga kriminal sa nasabing bayan at karatig pook.

Sinalakay ng mga ope­ratiba ng pulisya ang gun shop ng suspek sa Barangay Lambutong matapos makatanggap ng impormasyon sa ilang residente.

Nadiskubre rin ng pu­lisya ang ilang parte ng cal. 30 machine gun ang mga bala para sa assault rifles at handguns.

Inihahanda na ang mga ebidensya para masampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

vuukle comment

AABOT

AYON

BARANGAY LAMBUTONG

BENJARDI MANTELE

CHIEF SUPT

HONORIO CABALIDA

INIHAHANDA

NADISKUBRE

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with