^

Probinsiya

Magsasaka dinedo sa hapag-kainan

- Ni Malu Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Napatay ang isang 59-anyos na magsasaka habang sugatan naman ang anak nito matapos pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay Binoligan, Kidapawan City, North Cotabato noong Sabado ng gabi.

Dalawang tama ng bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Solomon Cadungog habang ginagamot naman sa ospital ang anak na si Shahana, 17.

Ayon sa police report, naghahapunan ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na barangay nang pasukin at ratratin ng gunman. Batay sa testimonya ng ilang nakakilala sa biktima, dalawang beses nang may nagtangka sa buhay nito.

Nagtago rin ang biktima sa General Santos City at nang bumalik ay binalikan din siya ng kalaban. Blangko ang pulisya sa motibo ng gunman habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

AYON

BARANGAY BINOLIGAN

BATAY

BLANGKO

DALAWANG

GENERAL SANTOS CITY

KIDAPAWAN CITY

NORTH COTABATO

SOLOMON CADUNGOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with