^

Probinsiya

60-anyos na lola ni-rape

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang 60-anyos na lola na sinasabing may diperensya sa pag-iisip ang hinalay ng kanilang kapitbahay sa Barangay Granada, Bacolod City, Negros Occidental noong nakalipas na Sabado. Sa report ng Bacolod City Women and Children’s Complaint Desk noong Martes lamang ini-report ng biktimang itinago sa pangalang Lola Dionisia ang sinapit sa kamay ng isang 45-anyos na suspek na hindi muna tinukoy ang pangalang habang iniimbestigahan pa ang kaso. Naganap ang krimen matapos na iwanan pansamantala ang lola ng kanyang utol na lalaki  na sinasabing kaibigan ng suspek na dumalaw sa kanila. Lumilitaw na napadaan sa lugar ang isang kapitbahay ng mag-utol at nasilip nito sa may bintana ang matanda habang hubo’t hubad na nakatayo habang minomolestiya ng suspek. Kaagad naman nakarating sa kapatid ng matanda ang balita kaya napasugod sa kanilang bahay at naaktuhan ang suspek na ginagahasa ang biktima. Sa tindi ng galit ay binugbog ng kapatid ng matanda ang suspek bago ito dinala sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

BACOLOD CITY

BACOLOD CITY WOMEN AND CHILDREN

BARANGAY GRANADA

COMPLAINT DESK

ISANG

KAAGAD

LOLA DIONISIA

LUMILITAW

NAGANAP

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with