^

Probinsiya

2 dedo sa pananaga

- Ni Malu Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na napaslang sa pananaga sa magkahiwalay na karahasang naganap sa dalawang bayan sa lalawigan ng North Cotabato kahapon. Ayon kay P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP, lumilitaw na natutulog si Boy Tuginggi, 40, sa loob ng kanilang ba­hay na katabi ng kanyang misis nang tagain sa leeg. Wala namang nakagalit ang biktima sa kanilang lugar sa Barangay Ugalinga sa bayan ng Carmen. Samantala, pinagtataga rin hanggang sa mapatay ang barangay tanod na si Emerito Opelena, 50, matapos ang mainitang pagtatalo sa inuman sa isang tindahan sa Barangay San Vicente sa bayan ng Makilala.Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Melandro Aplicador, 40, ng Cataluna Piqueno, Davao City. Sa ulat ni SPO2 Norberto Calayca, unang bumunot ng itak ang biktimang si Opelena pero naagaw ng suspek at pinagtataga ang kaibigan sa inuman.

vuukle comment

BARANGAY SAN VICENTE

BARANGAY UGALINGA

BOY TUGINGGI

CATALUNA PIQUENO

CHIEF INSP

DAVAO CITY

EMERITO OPELENA

JORDINE MARIBOJO

MELANDRO APLICADOR

NORBERTO CALAYCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with