^

Probinsiya

24 bahay winasak ng buhawi

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawampu’t apat na bahay ang nawasak matapos hagupitin ng malakas na buhawi ang isang barangay sa Iloilo City, Iloilo kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kabilang sa mga nawasak na kabahayan ay 18 sa Brgy. Tabuc Suba; apat sa Brgy. Buntatala at dalawa sa Brgy. Lopez Jaena; pawang sa Jaro District ng lungsod.

Bandang alas-7 ng umaga ng humagupit ng buhawi ang nasabing lugar.

Nagulat na lamang umano ang mga residente matapos makarinig ng malakas na ihip na hangin at kasunod nito ay nanalasa ang buhawi.

Nabatid na umpisa pa lamang nitong Lunes ng gabi ay walang kuryente sa lungsod dulot ng malakas na hangin at mga pag-ulan.

Wala namang naiulat na nasugatan at nasawing katao sa nasabing insidente, gayunman maliban sa pagkasira ng mga kabahayan ay marami ring nabuwal na puno sa lugar.

Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

vuukle comment

BANDANG

BRGY

BUNTATALA

CAMP CRAME

DALAWAMPU

ILOILO

ILOILO CITY

JARO DISTRICT

LOPEZ JAENA

TABUC SUBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with