^

Probinsiya

3 holdaper tumba sa shootout

-

SOLANO, Nueva-Vizcaya, Philippines – Tatlo sa apat na miyembro ng robbery/holdup gang ang iniulat na napatay matapos makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa masukal na kagubatan sa Barangay Minanga sa bayan ng Penablanca, Caga­yan kahapon ng madaling-araw.

Sa police report na ipinarating kay P/Chief Supt. Mao Ranada Aplasca, kasaluku­yang bineberipika ang pagkakakilanlan sa tatlo habang tugis naman ang isa pang holdaper na mabilis na tumakas sa kasagsakan ng putukan.

Bago ang sagupaan ay nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad sa presensiya ng mga armadong kalalakihan sa liblib na bahagi ng Barangay Minanga.

Kaagad naman rumesponde ang mga alagad ng batas kung saan sumiklab ang sagupaan bandang alas-3:30 ng madaling-araw.

Narekober sa encounter site ang dalawang motorsiklo, dalawang cal.45 pistol, UZI machine pistol at iba’t ibang bala.

Wala namang palatandaang mga rebeldeng New People’s Army ang tatlo kung saan natukoy na mga miyembro ito ng notoryus na robbery gang. Raymund Catindig at Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY MINANGA

CAGA

CHIEF SUPT

JOY CANTOS

KAAGAD

MAO RANADA APLASCA

NAREKOBER

NEW PEOPLE

RAYMUND CATINDIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with