^

Probinsiya

2 dedo sa dance floor

- Ni Christina Timbang -

CAVITE, Philippines —Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi matapos na mauwi sa pamamaril ang iringan sa dance floor sa isang club sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga biktima na sina Jose Marie Silvano, 40 anyos at Sarry Jeam Caberto, 23; pawang ng Brgy. Salitran 3 ng lungsod na ito. Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Santos, may hawak ng kaso dakong alas- 2:06 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa Dzone Club sa nasabing lugar. Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng iringan ang grupo ng mga biktima at ng hindi nakilalang mga kalalakihan na nauwi sa pamamaril ng mga suspek. Mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan ng tatlo hanggang apat na motorsiklo. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

AYON

BRGY

BUROL MAIN

DALAWA

DASMARI

DZONE CLUB

JOSE MARIE SILVANO

KINILALA

MICHAEL SANTOS

SARRY JEAM CABERTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with