^

Probinsiya

4 karnaper utas sa shootout

- Nina Victor Martin at Ricky Tulipat -

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Bulagta ang apat na lalaki na pinaniniwalaang notoryus na karnaper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na checkpoint sa Barangay Tupang sa bayan ng Alcala, Cagayan kahapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, naunang hinoldap ng apat ang biktimang si Juanito Ilagan y Talosig, COA supervi­sing auditor habang sakay ng itim na Isuzu Sportivo (BCX-587) sa bahagi ng San Agustine Street, RG village, San Gabriel, Tuguegarao City.

Natangay sa biktima ang kanyang sasakyan kasama na ang mga alahas, laptop, cell phone at hindi nabatid na malaking halaga.

Kaagad naman naipara­ting sa pulisya ang naganap na insidente kaya mabilis na naglatag ng mga checkpoint kung saan nakalusot sa unang checkpoint ang apat sa bayan ng Amulung.

Dito na namataan ang apat na lulan ng sasakyang itim kung saan tinangkang harangin ng mga nagbabantay na pulis sa checkpoint subalit umalingaw­ngaw ang sunud-sunod na putok mula sa mga holdaper.

Gumanti naman ang mga pulis na nauwi sa ma­dugong bakbakan hanggang sa bumulagta ang apat.

Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga napatay na holdaper habang nabawi naman ang sasakyan at mga gamit.

vuukle comment

ALCALA

AMULUNG

AYON

BARANGAY TUPANG

ISUZU SPORTIVO

JUANITO ILAGAN

SAN AGUSTINE STREET

SAN GABRIEL

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with