^

Probinsiya

5 Bolt Cutter Gang arestado

- Nila Boy Cruza at Dino Balabo -

BULACAN – Rehas na bakal ang binagsakan ng limang miyembro ng Bolt Cutter Gang na naaktuhang nagbebenta ng mga cell phone na kanilang nakulimbat sa isang pawnshop matapos madakma ng pulisya sa entrapment operation sa Barangay Cut-cot sa bayan nag Guiguinto, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Jayson Reyes, 23, ng Brgy. Bulihan, Plaridel; Jay Areglo, 19; Orlando Manalo, 33; Hitter Landayan, 19; at si Michael De Los Santos, 19; habang tugis naman ang lider ng grupo na si Francisco Dela Yola. Ayon kay P/Supt. Miguel Atienza, ipinaabot ng isang concerned citizen na may nagbebenta ng ilang cell phone sa nasabing barangay kaya inilatag ang operasyon kung saan nadakma ang suspek at nasamsam ang mga cell phone mga alahas at ang P5,000 mark money na ginamit sa entrapment operation. Naibalik naman sa Reymalyn Pawnshop and Cell pone Accesories sa Brgy. Poblacion ang mga gamit at alahas na tinangay ng mga suspek noong Biyernes (Setyembre 2) Nakuhanan ng CCTV camera ang mga suspek habang nanloloob sa nasabing pawnshop.

vuukle comment

BARANGAY CUT

BOLT CUTTER GANG

BRGY

FERNANDO MENDEZ JR.

FRANCISCO DELA YOLA

HITTER LANDAYAN

JAY AREGLO

JAYSON REYES

MICHAEL DE LOS SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with