^

Probinsiya

3 minasaker sa Cavite

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng tatlo-katao kabilang na ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos pagsasaksakin ng ‘di-pa kilalang suspek sa na­ganap na masaker sa Barangay Bucal sa bayan ng Silang, Cavite kahapon ng tanghali.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa bayan ng Imus, nakilala ang mga napaslang na sina Rosky Piojo, 25, stay-in helper; Joseph “Ej” Valenton, 7; at yaya nitong nakilala lamang sa alyas Joy.

Naganap ang krimen sa resthouse na pag-aari ni Dionisio Valenton na sinasabing nasa Nueva Ecija.

Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Erwin Laureles, natagpuan ang mga bangkay ng kanilang kapitbahay na si Rene Barientos bandang alas-12:30 ng tanghali.

Nadiskubre ni Barientos ang bangkay ni Piojo sa bahagi ng labahan ng kanilang bahay samantalang natagpuan naman ang mga bangkay ng batang si Ej at ang yaya nitong si Joy sa loob ng kuwarto kaya agad nitong ipinaalam sa kanilang barangay.

Wala namang palatandaan pagnanakaw ang pa­ngunahing motibo ng krimen dahil walang nawawala sa mga gamit ng mga biktima.

Blanko naman ang mga imbestigador ng pulisya sa naganap na masaker sa kabila ng paulit-ulit na pagtawag ng PSNgayon sa himpilan ng pulisya na sinasabing iti­natago sa mga mamamahayag ang krimen at ang hindi pagsagot sa telepono ng kanilang hepe na si P/Supt. Simnar Gran.

vuukle comment

BARANGAY BUCAL

CAMP PANTALEON GARCIA

DIONISIO VALENTON

EJ

ERWIN LAURELES

NUEVA ECIJA

RENE BARIENTOS

ROSKY PIOJO

SIMNAR GRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with