^

Probinsiya

Sindikato ng hijacking hawak ng Batangas politician

-

BATANGAS CITY, Philippines — Inilahad ng mataas na opisyal ng PNP na may pulitikong nangangalaga ng hijacking syndicate na sangkot sa serye ng krimen sa bayan ng Laurel, Batangas.

Sa panayam kay P/Se­nior Supt. Rosauro Acio, Batangas police director, inamin nito na mino-monitor na nila ang galaw ng isang pulitiko sa Batangas pero nakiusap na pansamantalang hindi muna pangalanan upang hindi makaapekto sa operasyon.

“ Nalaman namin na may humahawak na mataas na pulitiko sa tatlong hijacker na suspek na nadakma namin noong Hulyo 19 matapos aminin ng mga ito na pipiyansahan sila ng isang pulitico,” pahayag ni Acio.

Sa tala ng pulisya, sakay ng berdeng Toyota Corolla (TFT-906) ang mga suspek na sina Jhun Dangiros, 39; Marciano Agojo, 31 at si Romeo Luzaran, 41, pawang nakatira sa Barangay Buso-Bus nang parahin sa PNP checkpoint sa Barangay Leviste kung saan nakumpiska ang cal. 45 pistola.

Ang tatlo ay sinasabing sangkot sa panghahaydyak sa14-wheeler cargo truck (RKB-362) na may 800 bags na semento sa Diversion Road sa Barangay Bolbok, Batangas City.

Positibo namang kinilala ng pahinante ng truck na si Manel Garcia ang isa sa tatlo na tumutok ng baril sa kanya subalit Itinanggi naman ng tatlo ang akusas­yon pero sinampahan pa rin sila ng kasong robbery at carnapping sa Batangas City Prosecutors Office.

“May information kami na pine-pressure ng mga suspek ang handler na pulitiko na piyansahan kaagad sila dahil kung hindi ikakanta nila kung sino ang may hawak sa kanila,” pagbubunyag ni Acio.

vuukle comment

ACIO

BARANGAY BOLBOK

BARANGAY BUSO-BUS

BARANGAY LEVISTE

BATANGAS

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY PROSECUTORS OFFICE

DIVERSION ROAD

JHUN DANGIROS

MANEL GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with