^

Probinsiya

3 tanod tiklo sa pot session

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines  — Tatlo-katao kabilang ang dalawang barangay tanod na sinasabing naaktuhang nasa pot session ang nasakote ng pulisya sa loob ng barangay hall sa Barangay Biñang 2nd sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Arnulfo Ibañez ng Anti Illegal Drugs-Special Operation Task Force sa Camp Crame ang mga suspek na sina Roberto Leo­nardo, 50, executive officer ng mga barangay tanod; Hermes Sales, 41, kapwa nakatira sa Brgy. Biñang 2nd at si Rommel Del Rosario, ex-barangay tanod, ng Northville 5, Brgy. Batia, Bocaue.

Sa police report, lumilitaw na naaktuhan sa pot session ang tatlo sa mismong lamesa ng barangay chairman na si Adelfo Nuevo.

Nabatid na sinamantala ng mga suspek na mag-pot session habang nakikipagpulong sa ilang residente ang kanilang barangay chairman sa labas ng barangay hall.

Nasamsam sa mga supek ang 2-plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalias at I.D ng barangay tanod.

vuukle comment

ADELFO NUEVO

ARNULFO IBA

BARANGAY

BARANGAY BI

BOCAUE

BRGY

CAMP CRAME

CHIEF INSP

DRUGS-SPECIAL OPERATION TASK FORCE

HERMES SALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with