^

Probinsiya

Barangay chairman nilikida

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY ,Philippines  – Isa na namang barangay chairman sa Abra ang iniulat na napaslang matapos ratratin ng mga 'di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Zone 4 sa bayan ng Bangued noong Sabado ng umaga. Napuruhan sa ulo si Chairman Henry Saguid, 40, ng Barangay Alaoa sa bayan ng Tineg, Abra. Sa tala ng pulisya, si Saguid ay ikalawang barangay chaiman na napaslang sa Abra ngayong 2011 simula noong May 2010 polls. Ayon sa tagapagsalita na si P/Senior Inspector Angelito Dangli Jr. nanatili namang blangko ang motibo sa pamamaslang kay Saguid na naging pangulo rin ng Association of Barangay Chairman noong 2008. Kasalukuyang bumuo ng Special Investigating Task Group para imbestigahan ang nasabing krimen. Noong Marso 18,  binaril at napatay si Chairman Loreto Barbosa, 56, ng Barangay Dolores sa bayan ng Taping sa Bangued.

vuukle comment

ABRA

ASSOCIATION OF BARANGAY CHAIRMAN

BANGUED

BARANGAY ALAOA

BARANGAY DOLORES

CHAIRMAN HENRY SAGUID

CHAIRMAN LORETO BARBOSA

NOONG MARSO

SAGUID

SENIOR INSPECTOR ANGELITO DANGLI JR.

SPECIAL INVESTIGATING TASK GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with