^

Probinsiya

Balikbayan dinukot saka pinatay

- Ni Cristina Go-Timbang -

CAVITE, Philippines —Isang balikbayan ang dinukot at natagpuang patay sa bayan ng Imus ng lalawigang ito habang nakaligtas naman ang 5-taong gulang na anak nito.

Ayon kay Cavite PNP director Sr. Supt. John Bulalacao, ang biktima ay nakilalang si Eric Sales, 36-anyos, balikbayan at sales manager sa Papua New Guinea at nakatira sa Dasmarinas City. Nakaligtas naman ang anak nitong si Osteen, 5-anyos, na kasamang dinukot ng kanyang ama.

Batay sa imbestigas­yon, dakong alas-2:30 ng hapon ng makita ng ilang tricycle drivers ang batang si Osteen habang tumatakbo sa kahabaan ng Daang-Hari sa Barangay Pasong Buwaya.

Nalaman ng mga tricycle driver mula sa bata na pinatay ang kanyang ama sa loob ng kanilang kotse hanggang sa ipagbigay-alam sa pulisya saka pinuntahan ang sinasabi ng bata sa Summerpoint Subdivision sa Dasmariñas.

Nakitang patay sa loob sa driver’s seat ang biktima at may tama ng bala sa kanyang sintido.

Bago ito, inalarma ng pulisya na kinarnap ang isang Ford Focus na may plakang ZLE-207 na sinasabing sapilitang kinuha ng 3 armadong kalalakihan.

vuukle comment

AYON

BARANGAY PASONG BUWAYA

DASMARINAS CITY

ERIC SALES

FORD FOCUS

JOHN BULALACAO

OSTEEN

PAPUA NEW GUINEA

SR. SUPT

SUMMERPOINT SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with