^

Probinsiya

Mag-utol nalunod sa sapa

- Ni Jonie Capalaran -

HERMOSA, Bataan, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa mag-utol na batang babae makaraang tangayin ng malakas na agos at malunod sa sapa habang tumatawid kasama ang kanilang ina sa Purok Uno, Barangay Tipo sa bayan ng Hermosa, Bataan kamakalawa ng umaga.

Natagpuan ang bangkay ni Mary Joy Reyes, 3, may isang kilometro ang layo sa Barangay Roosevelt sa bayan ng Dinalupihan, Bataan habang patuloy naman pinaghahanap ng rescue team ang bangkay ni Dorina Reyes, 5.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Arnold Gunnacao, papauwi na ang mag-iina na tumawid sa sapa mula sa Olongapo City kung saan biglang lumaki at lumakas ang agos ng tubig.

Gayon pa man, nakabitiw sa pagkakakapit sa palda ng ina si Mary Joy kaya tina­ngay ng agos kaya napilitang bitiwan ng ina si Dorina para sagipin ang una.

Tinangay din ng agos sa sapa si Dorina kaya walang nagawa ang ina kundi ang panoorin na lamang ni Raquel Reyes ang kanyang dalawang anak na lulubog-lilitaw sa tubig habang sumi­sigaw papalayo. 

vuukle comment

ARNOLD GUNNACAO

BARANGAY ROOSEVELT

BARANGAY TIPO

DORINA

DORINA REYES

MARY JOY

MARY JOY REYES

OLONGAPO CITY

PUROK UNO

RAQUEL REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with