^

Probinsiya

3 patay, 7 sugatan sa killer truck

-

CAVITE, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na namatay samantalang pitong iba pa ang sugatan matapos suyurin ng trailer truck ang mga sasakyan sa gilid ng highway sa bayan ng Alfonso, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Enuario Rom, 68; Michael Lolor, 20; at Nick Dollete, 47, kapwa pahinan­te at nakatira sa bayan ng General Trias, Cavite.

Naisugod sa Dr. Poblete Memorial Hospital ang mga sugatang pahinante na sina Randy Suason, Nepthalie Guinipapa, Albert Aurelia, Lugie Basas, Eduardo, Anselmo, Marvin Acuzar at ang truck driver na si Robert Calaranan.

Ayon kay P/Chief Insp. Egbert Tibayan, binabagtas ng trailer truck (ZHS454) ni Calaranan ang kahabaan ng highway sa Barangay Kaytitinga nang mawalan ito ng kontrol at araruhin ang mga nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada bandang ala-una ng hapon.

Naipit si Rom habang namatay din sina Lolor at Dollete matapos tumilapon ng ilang metro.

vuukle comment

ALBERT AURELIA

BARANGAY KAYTITINGA

CAVITE

CHIEF INSP

DR. POBLETE MEMORIAL HOSPITAL

EGBERT TIBAYAN

ENUARIO ROM

GENERAL TRIAS

LUGIE BASAS

MARVIN ACUZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with