^

Probinsiya

Kawatan dedo sa shootout

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Napatay ang panguna­hing suspek sa serye ng nakawan sa Lucena City ma­tapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Isabang,Tayabas City, Quezon kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ni P/Supt. Ramon Balauag ang napaslang na si Jason “Burondoy” Castillo ng Barangay Market View. Sa imbestigasyon nina PO2 Randy Buenaventura at PO2 Jefferson Tamaray, nagtungo sa himpilan ng pulisya si Miguel Eclavea upang ireklamo ang suspek makaraang hindi nito isauli ang hiniram na traysikel na pag-aari ni William Rennin. Nang beripikahin ang katauhan ni Castillo ay natuklasang may nakabinbing kaso ng pagnanakaw at sangkot din sa serye ng nakawan. Makaraang makumpirma ang hideout ng suspek ay kanilang tinungo ito at pinasuko subalit nagpaputok ng baril sa mga awtoridad hanggang sa masukol sa tabi ng ilog at mapatay.

vuukle comment

BARANGAY ISABANG

BARANGAY MARKET VIEW

JEFFERSON TAMARAY

LUCENA CITY

MIGUEL ECLAVEA

QUEZON

RAMON BALAUAG

RANDY BUENAVENTURA

TAYABAS CITY

WILLIAM RENNIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with