^

Probinsiya

17-anyos pipi't bingi ni-rape slay

- Nila Joy Cantos at Freeman News Service -

CEBU CITY, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang tinedyer na babaeng pipi't bingi makaraang pagtulungang halayin ay pinalo pa sa ulo ng matigas na bagay hanggang sa mapatay ng mga 'di-kilalang lalaki sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City, Cebu noong Lunes ng hapon.

Sa ulat ni P/Inspector Jun Pastorfide ng Homicide Section ng Lapu-Lapu City PNP, ang biktimang itinago sa pangalang Emma, 17, ay natagpuang walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan at inabandona sa madamong bahagi ng Sitio Masulog.

Si Emma na sinasabing tubong Sitio Pine Tree sa Barangay Mohon sa bayan ng Sogod ay sinasabing pansamantalang nakatira sa kanyang kapatid na si Irene.

Nabatid na nadiskubre ang bangkay ng biktima matapos umalingasaw ang masangsang na amoy habang jumijingle ang isang stone craft worker na si Jerry Rondina.

Dito na inusisa ni Ron­dina ang pinagmumulan ng mabahong amoy at pinagkakaguluhan ng bangaw.

Ayon sa pulisya, si Emma ay huling namataang buhay sa benefit dance party kasama ang ilang kaibigang babae noong Sabado ng Hunyo 11.

Base sa salaysay ng mga kaibigan na nagpaalam si Emma na bibili ng iced water mula sa dan­cing area subalit hindi ito nakabalik.

Kaagad naman nagtungo sa himpilan sa Women’s and Children’s Desk ng Lapu-lapu City PNP si Irene para ipagbigay alam na nawawala ang kanyang kapatid na si Emma.

Lumilitaw sa post mortem examination ni Dr. Nestor Sator ng PNP Crime Laboratory na ang biktima ay pinilahan ng ilang kalalakihan saka pinagpapalo sa ulo hanggang sa mapatay.

May teorya ang mga awtoridad na pawang lango sa bawal na droga ang mga suspek.

vuukle comment

BARANGAY BASAK

BARANGAY MOHON

CRIME LABORATORY

DR. NESTOR SATOR

HOMICIDE SECTION

INSPECTOR JUN PASTORFIDE

JERRY RONDINA

LAPU-LAPU CITY

SI EMMA

SITIO MASULOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with