^

Probinsiya

4 holdaper arestado

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines -  Nasilat ang panghoholdap sa sangay ng Metrobank  matapos madakma ang apat na armadong kalalakihan kabilang ang lider ng grupo sa isinagawang operasyon sa Ozamis City kamakalawa. Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group director P/Chief Supt. Samuel Pagdilao ang mga suspek sa robbery /holdup gang na sina Jimmy Parami, 43, lider ng grupo; Rolando Sapnoy, 36; Niel Ranin, 35; at si Dullie Jul, 25. Nasamsam sa mga suspek ang M16 rifle na may apat na magazine, 50-bala, bandolier, cal .45 na may magazine at limang bala. Dakong alas-2 ng hapon nang makatanggap ng impormasyon ang hepe ng 10th Regional Criminal Investigation and Detection Unit na si P/Senior Supt. Noli Romana kaugnay sa presensya ng mga armadong lalaki sa sangay ng Metrobank sa Rizal Avenue. Kaagad naman rumesponde ang mga operatiba ng CIDG at nasakote ang mga suspek habang aktong papasukin ang nasabing bangko para holdapin.

vuukle comment

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DULLIE JUL

JIMMY PARAMI

METROBANK

NIEL RANIN

NOLI ROMANA

OZAMIS CITY

REGIONAL CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

RIZAL AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with