^

Probinsiya

2 escort ng bokal tiklo sa baril

-

BATANGAS, Philippines - Dalawang escort ng isang bokal sa Cavite ang naaresto ng pulisya dahil sa pagdadala ng baril sa bayan ng Talisay, Batangas kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Arcadio Ronquillo, PIO ng Batangas PNP ang mga suspek na sina Juvel Manalo, 28, ng Amadeo, Cavite at Danny Brillantes, 37, ng Negros Occidental, kapwa bodyguard ni Bokal Alberto Ambagan ng 6th District sa Cavite. Ayon sa police report, nag­lalakad ang mga suspek sa loob ng palengke ng Talisay sa Zone 6, Barangay Poblacion na kapwa may nakasukbit na baril sa bewang kaya ipinagbigay-alam ng taumbayan sa pulisya. Nakumpiska sa mga suspek ang Magnum 357, calibre 38 revolver at mga bala na sinasabing walang kaukulang papeles. Napag-alaman din na may standing warrant of arrest si Brillantes sa kasong kriminal sa bayan ng Alaminos, Laguna at murder sa Tagum City, Davao.

vuukle comment

ALAMINOS

AMADEO

ARCADIO RONQUILLO

BARANGAY POBLACION

BATANGAS

BOKAL ALBERTO AMBAGAN

CAVITE

DANNY BRILLANTES

JUVEL MANALO

NEGROS OCCIDENTAL

TAGUM CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with