^

Probinsiya

Hapones utas sa dyip

- Danilo Garcia -

RIZAL, Philippines  —  Isang 61-anyos na bakasyunistang Hapones ang iniulat na nasawi makaraang mabundol ng owner-type jeep sa bahagi ng Sitio Dalig, Barangay Bagumba­yan sa bayan ng Pililla, Rizal kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Pililla Medicare Hospital si Mamaru Iwawaki na pansamantalang nanunuluyan sa A. Mabini Street, Brgy. Quisao sa nasa­bing bayan. Arestado at pormal na kakasuhan ang drayber ng stainless owner-type jeep (DKT-652) na si Aldrin Albos, 37, may-asawa, ng Si­tio Libis, Brgy. Bombo­ngan sa bayan ng Morong.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), naganap ang aksidente dakong alas-4:45 ng hapon sa National Road, Sitio Dalig, Brgy. Bagumbayan. Nabatid na lulan ng motorsiklo (TS-8144)  si Iwawaki nang mahagip ng sasakyan ni Albos. Naipagbigay-alam na sa Japan Embassy ang naganap na insidente.

ALBOS

ALDRIN ALBOS

BARANGAY BAGUMBA

BRGY

JAPAN EMBASSY

MABINI STREET

MAMARU IWAWAKI

NATIONAL ROAD

PILILLA MEDICARE HOSPITAL

RIZAL POLICE PROVINCIAL OFFICE

SITIO DALIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with