^

Probinsiya

3 nag-suicide sa Semana Santa

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na  nagpakamatay sa lalawigan ng Quezon nitong Semana Santa. Si Danny, 16, ng Barangay 7 ay natagpuang nakabitin sa kisame ng kaniyang kuwarto dakong alas-6:30 ng umaga. Sa imbestigasyon ni PO2 Randy Buenaventura, matinding dinamdam ng biktima ang pagbagsak ng grado nito sa eskwelahan kaya hindi ito naka-graduate. Nakadagdag pa sa sama ng loob nito ang ginawang pagmumura sa kanya ng ina dahil sa labis na paninigarilyo. Samantala, dakong alas-8:30 ng gabi naman nang magbigti sa kanilang bahay si Lenito Parafina, 30, ng Barangay 10 na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay. Ayon kay PO3 Aldin Ranola, tinapos ng biktima ang kanyang buhay upang takasan ang pabalik-balik nitong sakit sa pag-iisip. Nagbaril naman sa ulo si Rence Marion Deapera, 21, sa loob ng kanilang banyo dakong  alas-6:35 ng umaga. 

vuukle comment

ALDIN RANOLA

AYON

LENITO PARAFINA

NAGBARIL

NAKADAGDAG

QUEZON

RANDY BUENAVENTURA

RENCE MARION DEAPERA

SAMANTALA

SEMANA SANTA

SI DANNY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with