Mister tinodas ng maton
CAMARINES NORTE, Philippines – Napaslang ang isang 34-anyos na mister matapos saksakin ng isang kabarangay na maton sa naganap na panibagong karahasan sa Purok 1, Barangay Mancruz sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng madaling-araw. Idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital si Alexander Mera matapos magtamo ng tatlong saksak habang naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Jesus Nagera, 32, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ni PO3 Ismael Uminga, hinamon ng suntukan ng suspek ang biktima kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa kanilang barangay hanggang sa mauwi sa pamamaslang.
- Latest
- Trending