2 dakma sa P.1M botya
- Ni Boy Cruz () - March 27, 2011 - 12:00am

BULACAN, Philippines  – Dalawa-katao ang dinakma ng mga ope­ratiba ng pulisya matapos masamsaman ng 652 kilong botya ng baboy sa PNP checkpoint sa Barangay Muzon sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan sina  Antonio Marquez 50, drayber; at Nestor Taller, 49, kapwa nakatira sa Barangay San Vicente sa Bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, nasabat ang closed van (WRA-908) na may lulang double dead na baboy na may timbang na 652 kilo na nagkakahalaga ng P104,320. Ayon sa pulisya, ang nabanggit na botya sa Springside Farm sa Angeles City, Pampanga at pag-aari ni Robert So. Nabatid pa na dadalhin sana ang kilu-kilong botya sa Brgy. San Vicente sa bayan ng Sta.Maria saka dadalhin sa Metro Manila.

ANGELES CITY ANTONIO MARQUEZ BARANGAY MUZON BARANGAY SAN VICENTE BULACAN METRO MANILA NESTOR TALLER ROBERT SO RODOLFO HERNANDEZ SAN JOSE DEL MONTE CITY SAN VICENTE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with